POGO godfather na si Lin Xunhan, ipapatawag na rin sa imbestigasyon ng Senado

COURTESY: PAOCC

Pahaharapin din sa pagdinig ng Senate Committee on Women ang nadakip na “godfather” ng mga POGO sa bansa na si Lin Xunhan o Lyu Dong o tinatawag din na Boss Boga.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, hiniling niya na sa komite na imbitahan si Lin upang direktang matanong sa mga rebelasyon na naiparating sa mga awtoridad.

Kabilang na rito ang tungkol sa POGO sa Bamban, Tarlac na pinondohan ni Lin at ang kaugnayan sa kaniya ni Guo Hua Ping at sa mga POGO operations.


Kung si Gatchalian ang tatanungin, gusto niyang mapaharap sa imbestigasyon si Lin lalo’t itinuturing itong big boss ng mga POGO sa bansa.

Naniniwala si Gatchalian na interconnected o magkakaugnay ang mga big bosses ng mga POGO kaya nais ng senador na malaman mula kay Lin kung ano pa ang iba pang mga POGO hubs na konektado sa kaniya at sinu-sino pa ang mga taong nasa likod niya.

Facebook Comments