Tuesday, February 24, 2026

POGO hub sa Makati, nabuwag ng NBI at BI; 6 na koryano, arestado

Nabuwag ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang isang illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa residential condominium sa Estrella Street, Makati City.

Kasabay nito, naaresto ng mga awtoridad ang anim na South Korean nationals.

Ang raid ng NBI AT BI ay kasunod ng intelligence reports na may South Korean fugitive ang kasama sa grupo.

Ang mga naarestong Koryano ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Anti-POGO Act of 2025, Securities Regulation Code, at Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).

Facebook Comments