POGO money, posibleng magamit sa darating na 2025 midterm elections

Posibleng magamit sa nalalapit na 2025 midterm elections ang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) money.

Sa presscon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa Kampo Krame sinabi nitong may posibilidad na magamit ang illegal POGO money para pondohan ang kampanya ng ilang narco politicians.

Ayon kay Abalos maliban sa POGO, posible ring magamit ang pera mula sa illegal jueteng, illegal sabong at illegal drugs para sa nalalapit na halalan.


Kung kaya’t mahigpit aniya ang tagubilin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa kapulisan na mananagot at mapaparusan sa ilalim ng batas ang sinumang protektor o sangkot sa illegal na POGO.

Una na ring nagpahayag ng pakabahala ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa posibilidad na maimpluwensyahan ng mga sindikato sa POGO ang mga politiko sa pamamagitan ng pagbubuhos ng malaking pera sa kanilang kampanya.

Facebook Comments