POGO-related crimes, posibleng dumami pa kung hindi pa aaksyunan – Sen. Gatchalian

Nagbabala si Senate Committee on Ways and Means Chairman Senator Sherwin Gatchalian na posibleng dumami pa ang mga POGO-related crimes hanggat hindi tuluyang napapalayas ng bansa ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ang reaksyon ng senador ay kaugnay sa pinakahuling insidente kung saan narekober ng mga awtoridad ang nasa 28,000 na rehistradong SIM cards mula sa isang pasilidad ng POGO sa Pasay na sinasabing sangkot sa online scam.

Babala ni Gatchalian na posibleng madagdagan pa ang mga krimen sa POGO kung hahayaang magpatuloy ang operasyon nito sa bansa.


Dahil dito, hinimok ng senador ang lahat pati na ang pamahalaan na manindigan laban sa POGO bunsod ng mga krimeng kaakibat nito.

Kaugnay dito ay nauna nang naghain si Gatchalian ng isang resolusyon upang imbestigahan ang lumalaking pagkakasangkot ng mga POGO at mga accredited na service provider.

Facebook Comments