POGO sa Porac, Pampanga, pinag-aaralang gamitin bilang eskwelahan

Photo: Radyoman Conde Batac

Posibleng gamitin bilang eskwelahan ang mga gusali ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Ito ang inihayag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz oras aniya na makumpleto na ang proseso sa pagkumpiska sa lugar.

Ayon kay Cruz, layon nito na mapakinabangan pa rin ang mga gusali na una nang ginamit sa iligal na gawain ng mga sindikato.


Sinabi ng opisyal na katulad ito ng ginawa sa mga unang nadiskubreng POGO na ginagamit ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at maging ng Department of Justice (DOJ) bilang opisina.

Ipinaliwanag naman ni Senator Sherwin Gatchalian na napapasailalim ng government control ang isang property kapag ito ay napatunayang ginamit sa kriminalidad partikular sa human trafficking.

Facebook Comments