POINTILLISM ARTWORKS NG ISANG ARTIST MULA BANI, PANGASINAN, TAMPOK SA EXHIBIT SA URDANETA CITY

Itinampok sa isang art exhibit sa Urdaneta City ang mga obra ni Janice Abungan Orara, isang visual artist mula Bani, Pangasinan, na kilala sa paggamit ng pointillism technique sa kanyang mga likha.

Ang pointillism ay isang istilo ng pagpipinta gamit ang maliliit na tuldok ng kulay sa halip na karaniwang brush strokes.

Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga tuldok, nagiging masining na larawan ang lumilitaw, na sumasalamin sa kagandahan ng kapaligiran, kultura, at imahe ng kababaihan.

Sa exhibit, inspirasyon ni Orara ang mga kababaihang nagsusumikap para sa kanilang sarili.

Ayon kay Orara, nagsimula rin siya sa limitadong kasanayan sa pagpipinta, kaya’t hangad niyang makapaghikayat ng iba pang visual artists na patuloy na linangin ang kanilang talento. Pinasisigla rin niya ang mga baguhang pintor na sumali sa mga local art festivals at group exhibitions upang maipakilala ang kanilang mga obra sa mas malawak na madla.

Ang exhibit ay bukas sa publiko at inaasahang magbibigay inspirasyon sa mga mahilig sa sining na mas pahalagahan ang natatanging talento ng mga lokal na artista. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments