Pokwang, bumuwelta sa mga tumawag sa kaniya na “pangit” at “chaka”

Bumuwelta na ang komedyanteng si Pokwang sa mga basher nito na pinasaringan ang kaniyang itsura matapos siyang maglabas ng saloobin tungkol sa kasalukuyang gobyerno.

Ayon kay Pokwang, hindi niya palalampasin ang mga tumawag sa kaniya na “pangit” at “chaka”.

Habang ipinaliwanag din nito na walang masamang magpahayag ng kritisismo laban sa gobyerno lalo na sa ginagawa nitong aksyon laban sa pandemya.


Kasabay nito, bumanat din si Pokwang sa mga nagsasabing dapat na lamang siyang sumunod sa ipinag-uutos ng pamahalaan kaysa tuligsain ang mga ito.

Lahat kasi aniya ng Pilipino ay may karapatang maghayag ng kanilang opinyon lalo pa’t apektado ang lahat dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments