Pokwang, nagpapagaling pa rin matapos ma-ospital nitong weekend

274

Manila, Philippines – Nagpapagaling pa rin ang comedian actress na si Pokwang matapos na ma-ospital nitong weekend.

Kwento ng kaibigan at kapwa komedyante nitong si K Brosas – okey na ang kondisyon ni Pokwang pero kailangan daw nitong maging mas maingat at halos bawal gumalaw.

Hindi naman direktang sinabi ni K Brosas ang dahilan kung bakit na-ospital si Pokwang.


Pero hinala ng netizens, posibleng may kinalaman ito sa maselang pagbubuntis ng aktres na ngayo’y dalawang buwang buntis sa American boyfriend nitong si Lee O’ Brian.

Ito na ang ikalawang beses na nabuntis si Pokwang kay Lee.

August 2015 nang ianunsyo ni Lee ang pinagdaanang miscarriage ni Pokwang sa dapat sana’y first baby nilang dalawa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558



Facebook Comments