POL Phil, hati ngayon sa dalawang faction; faction na may convention sa QC, 1 breakaway

Breakaway group umano ang nagtitipon-tipon ngayon na mga miyembro ng Political Officers League of the Philippines sa isang convention sa Quezon city.

Sa isinagawang NANKA forum sa QC, inihayag ni Polphil secretary general Carlos Maceda na walang legal na mukha ang faction ng Polphil na pinamumunuan ni Vice Mayor Democrito Diamante.

Ayon kay Maceda, ang lehitimong League of Political Officers of the Philippines ay ang pinamumunuan ni Cyril Aborde.


Ito aniya ang naunang nakapagparehistro sa Securities and Exchange Commission at sa Intellectual Property Office.

Ani Maceda, mas karapatdapat si Diamante na mapabilang sa League of Vice Mayor at hindi sa Polphil na isang samahan ng mga political officers na nawalan ng hanapbuhay

Sinabi pa ni Maceda na nagkainteres ang faction ni Diamante sa Polphil dahil lumalago na sa miyembro at nakapagpanalo ng maraming kandidato sa nakaraang eleksyon.

Giit ni Maceda na ang Aborde faction na mayroong siyamnaraang miyembro sa buong bansa ang kinikilala sa Kamara at Senado.

Facebook Comments