Poland President Andrzej Duda, nagpositibo sa COVID-19

44

Nagpositibo sa COVID-19 si Poland President Andrzej Duda.

Kinumpirma mismo ito ni Presidential Minister Blazej Spychalski sa kaniyang twitter account.


Aniya, nagpapagaling na at maayos naman ang kalagayan ng naturang lider.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 225,300 na kaso ng COVID-19 ang Poland kung saan higit 105,000 na ang mga gumaling at halos 4,000 ang mga nasawi sa naturang sakit.

Facebook Comments