POLE OF COLD | Pilik-mata, nagye-yelo na rin dahil sa sobrang lamig sa Russia

Russia – Literal na nangingig ngayon sa lamig ang mga residente sa Oymyakon, Russia matapos na pumalo sa minus 62 degree celsius ang temperatura sa lugar.

At bukod sa mga isda, ilog, puno, bahay at tulay, nagye-yelo na rin sa lamig ang maging ang mga pilik-mata ng mga tao roon!

Dahil dito, “pole of cold” ang tawag ngayon sa nasabing village.


At kung takot lumabas ng bahay ang mga taga-Oymyakon, dagsa naman ang mga turista para ma-experience ang minus 62 degree celcius frost sa lugar.

Taong 1933 pa nang maramdaman ang -67.7 degree celsius na temperatura sa Oymyakon, pinakababang temperatura na naitala sa Northern Hemisphere.

Facebook Comments