POLE VAULT | Ernest John Obiena dalawang beses binura ang SEA Games record

Dalawang beses na binura ni Ernest John Obiena ang Southeast Asian Games record sa pole vault sa pagsabak nito sa mga torneo sa Europa nung nakaraang Linggo.

Bahagi ng kaniyang preparasyon para sa Asian Games sa Indonesia ngayon taon, unang naitala ni Obiena ang bagong SEA games mark sa 5.45 meters sa Golden Spike of Ostrava sa Czech Republic.

Ngunit binura rin agad ni Obiena ito sa kaniyang talon na 5.51 meters sa Himmelssturmer Cup sa Germany.


Si Obiena ang isa sa mga inaasahang magbibigay ng medalya sa Pilipinas sa Asian Games sa Indonesia.

Llamado rin ito sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa Manila.

Facebook Comments