Pole vault star EJ Obiena, bumaba ang ranking sa World No.3

Bumaba ang world ranking ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena.

Mula sa pagiging World No. 2, bumaba sa World No. 3 si Obiena batay sa rankings ng World Athletics.

Inilabas ito noong August 13, ilang araw lang matapos ang 2024 Paris Olympics kung saan nagtapos sa ikaapat na puwesto si Obiena sa pole vault events.


Nanatili naman sa top spot si Mondo Duplantis ng Sweden habang naagaw ni American Pole Vaulter Sam Kendricks ang second spot.

Una nang sinabi ni Obiena na target niyang mapanatili ang kanyang world rankings.

Samantala, dadalhin ni Obiena ang world-class pole vault tournament sa Pilipinas sa September 20 kung saan kabilang sa lalahok ang mga finalist ng Paris Olympics.

Facebook Comments