Pole vaulter EJ Obiena, unang Pinoy na nakapasok sa 2020 Tokyo Olympics

File photo courtesy of Fédération internationale du sport universitaire (FISU)

Nakasungkit ng puwesto sa 2020 Tokyo Summer Olympics ang atletang si Ernest John “EJ” Obiena.

Ayon kay Philip Ella Juico, pangulo ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa), nagtala si Obiena ng 5.81 meters sa isang paligsahan sa Chiara, Italy kung saan nalampasan niya ang 5.80 qualifying standard sa larong men’s pole vault para sa Olympics.

Si Obiena ay kauna-unahang Pilipino na kwalipikado sa prestihiyosong kompetisyon.

Abril ng kasalukuyang taon, winakasan din niya ang pagkauhaw ng bansa sa gintong medalya matapos magwagi sa Asian Athletics Championship na ginanap sa Doha, Qatar.

Nagparating ng pagbati ang pamunuan ng Philippine Sports Commission para sa karangalang ibinigay ni Obiena sa Pilipinas.

 

Facebook Comments