Police Chief Inspector Espenido, hindi pa lilipat sa Iloilo

Manila, Philippines – Maantala muna ang pag-upo ni Police Chief Insp. Jovie Espenido bilang Officer-In-Charge sa Iloilo City Police Office.

Ito ang mismong kinumpirma ng opisyal na ngayon nanatili pa rin sa Ozamiz City Police Office bilang hepe sa kabila na may utos na ang Pangulong Rodrigo Duterte at pinirmahan na ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang kanyang appointment order para mailipat siya sa Iloilo.

Aniya, marami pa siyang dapat gawin sa Ozamiz City, isa na rito ang target niyang pag-aresto kay Arthur Parojinog ang kapatid ng nasawing si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.


Si Arthur Parojinog aniya ay matindi ang mga ginagawang iligal na aktibidad sa lungsod at nananatiling buhay.

Bukod ditto, target pa rin niya ang pamangkin ng alkalde na lider ng martilyo gang.

Sa ngayon, ayon kay Espenido sana maintindihan siya ng mga taga-Iloilo na hinihintay ang kanyang pagdating.

Kinakailangan niya muna raw na mag-focus sa kanyang trabaho bilang chief of police ng Ozamiz City.

Facebook Comments