Police clearance, maari nang makuha sa mga piling SM mall

39

Isang kasunduan ang pinirmahan ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan at SM Prime Holdings President Jeffrey Lim sa SM Mall of Asia sa Pasay City kaninang umaga.

Batay sa pinirmahang Memorandum of Agreement (MOA) magkakaroon ng National Police Clearance hubs sa mga piling SM mall nationwide.

Ayon kay PNP Chief, ang pagkakaroon ng National Police Clearance desks sa mga SM Malls ay makakatulong sa PNP para mapadali ang pagri-release ng Police clearance.

Bukod pa rito hindi na rin dadami ang tao sa mga kampo ng PNP at iba pang PNP installations para kumuha ng police clearance.

Sa ngayon bukod sa SM MOA at SM management na mayroon nang National Police Clearance desks, target rin ng PNP na maglagay sa SM Southmall, SM North EDSA, SM Bacoor, SM Pampanga, SM Cabanatuan, SM Cebu, at SM Cagayan de Oro.

Ang requirement naman sa pagkuha ng police clearance sa mga SM malls dapat ay online ay pagkuha ng schedule, online rin ang pagbayad sa pamamagitan ng Landbank bago tutungo sa SM mall para sa biometrics.

Facebook Comments