35 mga Police Commissioned Officers mula sa limang Police Provincial Offices ng PRO-ARMM kabilang na ang Regional Mobile Force Battalion ang sumalang sa 2-Days Human Rights Refresher sa Regional Investigation Training Room, PRO ARMM, Camp Bgen SK Pendatun, Parang, Maguindano.
Sa naturang programa, muling binigyang diin sa mga partisipante ni PCSUPT GRACIANO J MIJARES, Regional Director, PRO ARMM na ang karapatang pantao ay hindi dapat makompromiso sa ano mang police operations.
Inihayag din nito na ang lahat ng police officers ay dapat human rights advocate.
Samantala, isinagawa rin ang PNP-CSO Forum, dinaluhan ito ng hepe ng PNP Human Rights Affairs Office, PCSUPT DENNIS SIERVO at iba pang bisita mula sa AFP, CHR, LGU, academe, media at iba pang stakeholders.
Ang forum ay isinagawa upang mabigyan ng venue ang PNP at ibang stakeholders ng kapayapaan na matalakay ang mga suliranin may kaugnayan sa paglabag sa karapatang pantao at matukoy ang administrative remedies, makapag-develop ng mga epektibong paraan upang matugunan ang isyu kasama ang komunidad.
Police Commissioned Officers sa ARMM, sumailalim sa Human Rights Refresher Seminar!
Facebook Comments