POLICE COMMUNITY ACADEMY, INILUNSAD SA ILOCOS NORTE

Inilunsad ng Police Regional Office 1 sa Ilocos Norte ang Police Academy (PCA) na ginanap sa Centennial Arena sa Laoag City.

Nasa higit isang libong kabataang miyembro ng PCA, mga lider mula sa iba’t-ibang ahensya at organisasyon ang dumalo sa naturang paglulunsad. Ang naturang proyekto ay paghubog sa mga kabataan sa kanilang kakayahang mamuno at magkaroon ng partisipasyon sa komunidad tungo sa maayos na lipunan.

Magkakaroon ng mga lectures at mga pagsasanay ang kapulisan sa mga aktibong kabataan para sa patuloy na suporta sa mga ito bilang mga susunod na lider sa pamamagitan ng paglinang sa kanilang kakayahan.
Nagbigay katiyakan naman ang hanay ng kapulisan, government agencies, at mga community leaders sa Ilocos Norte na patuloy nilang susuportahan ang mga kabataan upang maisulong rin nila ang adbokasiya sa kapayapaan at kaligtasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments