Police community run for a cause, inilunsad ng QCPD

Nagsagawa ng fun run ang Quezon City Police District (QCPD) ngayong araw sa QCPD Grandstand, Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City.

Ito ay kick-off ng selebrasyon ng ika-83 Founding Anniversary ng QCPD na may temang “Tagapaglunsad ng Serbisyong Malasakit, Patnubay ng Kaayusan at Kapayapaan, Kaagapay tungo sa Kaunlaran, Katuwang ang Simbahan at Pamayanan ng Lungsod” na layong i-promote ang camaraderie o magandang ugnayan ng pulisya at komunidad.

Ayon kay QCPD Director Brigadier General Nicolas Torre III, nasa 600 indibidwal ang nakibahagi sa aktibidad.


Bukod sa mga tauhan ng QCPD, lumahok din sa fun run ang National Capital Regional Police Office (NCRPO), kanilang mga pamilya at iba pang stakeholders.

Samantala, layunin din ng aktibidad na makalikom ng pondo para sa scholarship ng mga anak at pamilya ng mga pulis na nasugatan o namatay habang ginagawa ang kanilang tungkulin partikular ang mga dependent ng “Warriors, Operators, Liberators Foundation (WOLF) Charity Movement.”

Facebook Comments