Police convoy na may bitbit na mga miyembro ng Maute group, tinambangan

Manila, Philippines – Tinambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga armado ang police convoy na may bitbit na mga miyembro ng Maute group papunta sa Lanao Del Norte bandang alas-7 kagabi.

Sugatan ang apat sa bitbit nitong maute members at ang isa pang pulis sa naganap na ambush sa pagitan ng bayan ng Baloi at Pantar.

Ang naturang convoy ay binubuo ng limang mobile police units ng regional public safety battalion ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kasama ang Regional Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang pananambang sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments