Inaalisan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng police-deputation powers ang mga narco politician na nanalo nitong May 13 midterm elections.
Nakikipagtulungan na ang DILG sa National Police Commission (NAPOLCOM) para tanggalan ng police powers ang mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga bago sila umupo sa kanilang mga pwesto sa June 30.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – masyadong maaga para magdiwang ang mga narco politician lalo at patuloy ang anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.
Bagamat nirerespeto ng DILG ang karapatan ng taumbayan na pumili ng kanilang ihahalal, itutuloy ng ahensya ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa narco politicians.
Tiniyak din ng DILG na hindi makakaupo sa kanilang pwesto ang mga pulitikong mapatunayang sangkot sa illegal drug trade.
Bago ang May 13 elections, inilabas ng DILG ang listahan kung saan pinangalanan ang 46 local politicians na sangkot sa ilegal na droga kung saan 26 ang nanalo.