Police doctor na nasawi makaraang makalanghap ng disinfectant sa quarantine facility, pinabibigyan ng kompensasyon

Pinatitiyak ni Senator Richard Gordon sa Department of Health (DOH) na mabibigyan ng kompensasyon ang doktor na si Police Captain Casey Gutierrez na nasawi makaraang makalanghap ng disinfectant sa Philippine Sports Arena quarantine facility.

Sabi ni Gordon, si Captain Gutierez ay katulad din ng 32 health workers na nasawi dahil sa COVID 19.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inihayag ni Gordon ang pagkadismaya dahil hindi agad naibigay sa pamilya ng mga nasawing medical frontliner ang isang milyong pisong kompensasyon na iniuutos ng Bayanihan to Heal as One Act.


Natutuwa naman si Gordon na sinimulan na ngayon ng DOH ang pagkakaloob sa nabanggit na kompensasyon na hindi na kinailangan pa ng Implementing Rules and Regulations.

Binigyang diin ni Gordon na huli man daw at magaling ay mainam na umaabot din ang nasabing tulong para sa mga health worker na malaki ang sakripisyo para labanan ang COVID-19.

Facebook Comments