9,044 na mga police frontliners ang nabakunahan na ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines.
Batay sa latest data ni Philippine National Police Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar 7,152 police officers ay nabakunahan ng Sinovac vaccines habang 1,892 ay binakunahan ng AstraZeneca.
Sa bilang na 7,152 police officers na nabakunahan ng Sinovac vaccine, 1,703 pa lamang ang natanggap na ang pangalawang dose ng kanilang bakuna.
Una nang sinabi ni Eleazar na maliban sa Sinovac vaccine at AstraZeneca vaccine mayroon pang tatlong police attaché ang nabakunahan ng Moderna vaccines at dalawang police attaché ang nabakunahan ng Pfizer sa ibang bansa.
Sa ngayon, patuloy na naghihintay ang PNP ng panibagong supply ng bakuna para magpatuloy ang vaccination sa kanilang hanay.