POLICE LEADERS NG PANGASINAN, NAGTIPON PARA SA 1ST COMMAND CONFERENCE

Nagsagawa ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ng kanilang kauna-unahang Command Conference at Provincial Enhanced Managing Police Operations (EMPO) para sa 2026.

Dumalo ang mga provincial staff, National Support Units (NSUs), Chiefs of Police (COPs), at Force Commanders (FCs) mula sa ika-4, ika-5, at ika-6 na distrito ng Pangasinan.

Sa pagpupulong, inilahad ng bawat yunit ang kanilang operational plans, updates, at programa para sa taong ito.

Pinag-usapan din sa kumperensya ang performance ng iba’t ibang yunit at ang koordinasyon sa ilalim ng EMPO framework. Ayon sa PPO, layunin ng pagpupulong na mas malinaw ang mga estratehiya at prayoridad ng mga yunit sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments