Police lieutenant, nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa PNP

Umabot na sa 75 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, isang 48-anyos na police lieutenant na nakatalaga sa Southern Leyte ang panibagong nasawi dahil sa COVID-19.

June 27 nang magpositibo sa virus ang nasabing pulis matapos makaranas ng pag-ubo habang sumasailalim sa Community Immersion for the Investigation Officers Basic Course kaya agad dinala sa ospital.


Inilipat siya ng pamilya nito sa Ormoc at Tacloban City pero nabigo sila dahil puno na ang kanilang mga COVID ward.

Hanggang sa tuluyan nang masawi ang pulis nitong June 30 dulot ng hirap sa paghinga sanhi ng pneumonia dahil sa COVID-19.

Samantala, batay sa datos ng PNP Health Service, 156 ang nadagdag sa mga bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na ito sa 28,118 ang COVID cases sa PNP.

Sa bilang na ito 1,728 ang total active cases habang 26, 315 ang total recoveries.

Facebook Comments