Sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group si Police Major Michael Angelo Salmingo.
Si Salmingo ay isa sa 29 na pulis na may warrant of arrest kaugnay ng ₱6.7 bilyong halaga ng shabu na nasabat sa Maynila noong 2022.
Batay sa impormasyon, alas-9 ng gabi kagabi nang boluntaryong sumuko si Salmingo sa Regional Field Unit ng CIDG NCR.
Bago nito, nabatid na nakatalaga si Salmingo sa Philippine National Police (PNP) Headquarters Support Service.
Nahaharap si Salmingo sa kasong paglabag sa Section 92 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang warrant ay inisyu ng RTC Branch 44 sa Maynila na may inirekomendang piyansa na ₱200,000.
Kasalukuyan siyang nakakulong sa CIDG RFU NCR para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon bago dalhin sa kanyang court of origin.