Police major na umano’y nang-molestiya ng isang kadete sa loob ng PNPA, nanganganib na masibak sa serbisyo — NAPOLCOM

Maaring masibak sa serbisyo ang isang police major matapos na umano’y molestiyahin ang isang kadete sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.

Sa isang pulong balitaan , sinabi ni National Police Commission Vice Chairman at Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan na nag-ugat ang insidente noong July 31 sa loob ng PNPA.

Nilasing umano ng suspek ang biktima saka ito ginawan ng kahalayan.

Ayon kay Calinisan, gumulong na ang imbestigasyon at kapag kinakitaan ng sapat na batayan ay sisibakin ito at sasampahan din kasong kriminal.

Facebook Comments