Police Master Sgt. Nuezca, na-demote na- DILG

Ibinaba ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang ranggo ng pulis na suspek sa pagpatay sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio sa Tarlac Province noong December 20.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, na-demote si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca dahil sa grave misconduct complaint na inihain noong 2014.

Sinabi ni NAPOLCOM Legal Affairs Service Acting Chief Atty. Chito Noel Bustonera, ang reklamo ay may kaugnayan sa kinakaharap niyang extortion case kung saan kinikilan niya ang isang tricycle driver at pasahero nito habang nakatalaga pa siya noong sa Tactical Motorcycle Unit sa Taguig noong 2014.


Si Nuezca ay nakatalaga sa Parañaque Police Crime Laboratory.

Sa ngayon, dalawang counts ng murder ang isinampa laban kay Nuezca sa Regional Trial Court Branch 67 sa Paniqui, Tarlac.

Samantala, kinumpirma ni Paniqui Municipal Police Station Chief Police, Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa na nagnegatibo sa paggamit ng ilegal na droga si Nuezca.

Maaari din nilang isalang sa psychiatric services si Nuezca para malaman kung mayroon siyang sakit sa pag-iisip.

Ang anak ni Nuezca na pinutakte rin ng batikos sa social media ay sasailalim sa counseling.

Target tapusin ng PNP Internal Affairs Service ang imbestigasyon sa administrative case ni Nuezca sa loob ng 30 araw.

Facebook Comments