Maglulunsad ng sariling istasyon ng balita ang Philippine National Police (PNP) bilang pangontra sa fake news.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang Police News Network (PNN) ay bahagi ng MKK=K program o Malasakit, Kaayusan, Kapayaan equals Kaunlaran.
Sa pamamagitan ng PNN ay maihahatid sa publiko ng PNP ang tama at napapanahong balita tungkol sa iba’t ibang aktibidad ng PNP.
Ang impormasyon ay ilalabas sa YouTube at Facebook para madaling malaman o ma-access ng publiko.
Layon nitong mas mapaghusay pa ang paghahatid ng PNP ng serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng pagkontra sa fake news na lumilikha ng negatibong impresyon sa mga pulis.
Facebook Comments