Police officials na umanoy sumisira sa kampanya ng PNP kontra iligal na droga, gustong makaharap ni PNP Chief DeLa Rosa

Manila, Philippines – Nais makaharap ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga police officials na umanoy sumisira sa kampanya ng PNP kontra iligal na droga.

Ito ay matapos na ilahad ng mga police officials na ito na isa ay aktibo at isa ay retirado sa isang international media na nagbabayad umano ng 10 hanggang isang daang libong piso ang PNP sa bawat pulis na nakakapatay ng drug personality.

Sinabi ni PNP Chief Dela Rosa, mas mabuting makausap niya ang mga pulis na ito upang matukoy ang dahilan sa paninirang ito sa kanilang kampanya.


Posible aniyang may masamang motibo lamang ang mga ito kung kayat ginagawa ang paninira.

Maaring tinanggal ang mga ito sa pwesto dahil posibleng sangkot sa iligal na droga o hindi kaya ay tinanggal sa serbisyo dahil hindi maganda ang naging performance sa PNP.

Para kay PNP Chief Dela Rosa, unfair sa mga pulis na matitino kung may ganitong akusayon sa PNP dahil may namamatay, nasusugatan, at nagsasakripisyong pamilya ng pulis para sa pagpapatupad ng war on drugs.

Sa ngayon, mas maiging maglabas na lamang ng ebidensya ng mga police officials na ito at huwag maghanap ng media para banatan ang kampanya ng PNP kontra iligal na droga.

Kung mapapatunayan naman na may mga pulis na gumagawa nito ay handa aniya ang PNP na sampahan ang mga ito ng kaso.

Facebook Comments