POLICE POWER | LGUs, hinikayat na ipasa sa PNP ang pagpatupad ng forced evacuation sa panahon ng kalamidad

Manila, Philippines — Iminungkahi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Ricardo Jalad sa mga local government officials na magpasa ng ordinansa na nagbibigay ng karapatan sa mga pulis na magsagawa ng forced evacuation sa panahon ng kalamidad.

Sinabi ito ng opisyal matapos na amining marami ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Ompong dahil sa hindi mahigpit na pagpapatupad ng preemptive evacuation.

Ayon kay Jalad, hanggang hindi pa naisasabatas ang panukala para sa Department of Disaster Resilience kung saan may probisyon na inaatasan ang Philippine National Police na magsagawa ng forced evacuation, ay kailangan munang gawin ng mga local government officials ang pagpasa ng ordinansa para rito.


Magkakaroon kasi aniya ng basehan ang mga pulis na magbitbit ng armas sa pagpapatupad forced evacuation kung mayroong naipasang ordinansa.

May mga pagkakataon kasing hindi sumusunod ang ilan sa ipinatutupad na forced evacuation at hindi sila mapilit ng mga awtoridad.

Facebook Comments