POLICE PRESENCE, PINAIGTING SA LABRADOR

Pinaigting ng mga tauhan ng lokal na pulisya ang kanilang presensya sa mga lugar na dinadagsa ng mamimili bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa bayan.

Isinagawa ang traffic assistance, foot patrol, at dayalogo sa mga market vendors sa mga lugar ng convergence, partikular sa Tobuan Talipapa, na hangganan ng bayan papasok sa bayan ng Sual, kung saan tampok ang iba’t-ibang bagong huling lamang dagat na tinitigilan ng mga turista.

Layunin ng aktibidad na maiwasan ang posibleng paglaganap ng krimen sa kasagsagan ng pamimili at matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa loob ng kanilang nasasakupan.

Kasabay nito, nagbigay rin ang mga pulis ng Crime Prevention Tips at ipinaalam sa mga tindero at mamimili ang mga PNP Hotline na maaaring tawagan sakaling may emerhensiya o kahina-hinalang sitwasyon.

Facebook Comments