Ipinakalat sa kakalsadahan at pampublikong lugar ang mga pulis sa La Union bilang pagpapaigting sa seguridad ng publiko ngayong Holiday season.
Layunin din nito na mabantayan ang kaligtasan ng publiko sa mga ilegal na aktibidad at modus ng kawatan partikular sa mga matataong lugar tulad ng pailaw at pagdagsa ng deboto ngayong nagsimula na ang Simbang Gabi.
Kaugnay nito, pinaigting din ng kapulisan ang pagsita sa mga traffic violators na binibigyan ng karampatang citation ticket at paghihigpit sa mga motorista ukol sa pagsunod sa pagsusuot ng high-visibility materials tuwing gabi.
Patuloy na hinihikayat ng pulisya ang publiko na gamitin ang iPolice eBuzz-ER Mobile App upang mabilis na marespondehan sa oras ng peligro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments