POLICE PRESENCE TUWING SIMBANG GABI, PINAIGTING SA MANGALDAN

Nagpatupad ng heightened police presence ang Mangaldan Municipal Police Station (MPS) sa iba’t ibang simbahan sa bayan ngayong kasagsagan ng pagdaraos ng kabilaang Simbang Gabi.

Ayon sa ulat, layunin nito na masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at ang kaligtasan ng mga deboto.

Naka-deploy ang mga pulis sa loob ng simbahan, sa mga kalapit na kalsada, at sa iba pang pangunahing lugar ng pagtitipon.

Bukod dito, nakipag-ugnayan din ang pulisya sa lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na puwersa para sa mas pinaigting na seguridad sa buong holiday season.

Samantala, hinihikayat naman ang publiko na maging maingat at agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na himpilan o PNP hotline. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments