Police regional director ng BAR, sinibak sa pwesto at inaresto

Sibak sa pwesto si Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region Regional Director Police Brig. Gen. John Guyguyon, epektibo kahapon.

Kasunod nito, isinilbi kagabi ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang dalawang arrest warrant laban kay BGen. Guyguyon sa PRO-BAR Regional Headquarters sa Camp Gen Salipada Pendatun, Parang Maguindanao.

Ang mga warrant of arrest ay dahil sa dalawang magkahiwalay na kaso ng syndicated estafa na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 104 na may petsang Dec. 1, 2022, at QC-RTC Branch 91 na may petsang May 20, 2022.


Isasailalim sa kustodiya ng CIDG Regional Field Unit si BGen. Guyguyon upang maiharap sa korte.

Facebook Comments