“Hindi kayo makakalusot”
Ito ang ipinaalala ng Police Regional Office 1 para sa mga pulis na nasasangkot sa iligal na gawain partikular ng pinakahuling kinasangkutan ng pulis na online sabong.
Ang paalala na ito umano ay dahil sa ang mga tropa ay patuloy na binabantayan.
Basahin ang buong detalye sa link na ito: https://wp.me/p8lS0n-2MZI
#ifmnews #ifmdagupan
Sinabi ni PLtCol. Abubakar “Jun” Mangelen, Chief Information Officer ng PNP Region 1 na may direktiba na ang Chief PNP na naibaba na sa mga Regional Directors na kung saan ipinabatid ang direktiba sa pwersa.
Tinukoy din ang mga kautusan ay sesentro partikular sa Anti-Cybercrime Group na nakatalaga sa bawat Regional Offices na magsagawa ng kanilang cyber patrolling upang malaman kung sino pa sa mga miyembro ng pulisya partikular sa PNP Region 1 ang nalululong sa online sabong o anumang mga iligal na gawain at transaksyon.
Napakahalaga aniya na maprotektahan hindi lamang para sa integridad ng isang pulis na nasasangkot dito ngunit para maprotektahan ang pamilya ng mga ito.
Hindi rin umano maaaring makumprumiso ang kanilang hanay dahil lamang sa hindi ito naiwasan ng pulis.
Dagdag nito kasama na rin sa naatasan ukol sa kautusan ni Regional Director PBGen. Emmanuel Peralta ng PNP Region 1 ang mga unit commander na bantayan ang kanilang tao nila na siguraduhin na hindi sila masangkot sa anumang iligal na transaksyon.###