POLICE REGIONAL OFFICE 1, HINIKAYAT ANG PUBLIKO NA HUWAG NANG GUMAMIT NG PAPUTOK

Tiniyak ni Police Regional Director PBGEN Emmanuel Peralta na strikto nilang ipatutupad ang pagbabawal sa mga iligal na paputok sa darating na Kapaskuhan at Bagong taon.

Ayon kay PBGEN Peralta, susuportahan nito ang bawat LGU sa pag oorganisa ng kanilang community fireworks display.

Nakatakdang magdeploy ang PRO1 ng kanilang personnel sa mga magsasagawa ng fireworks display upang maipatupad ang minimum health protocols at mabawasan ang firecracker related incidents.


Hinikayat din ni Peralta ang publiko na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng Bagong Taon gaya ng torotot.

Samantala, inatasan na nito ang lahat ng COPs na magsagawa ng koordinasyon sa LGU at BFP sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga manufacturers at retailers upang nang maiwasan ang pagbebenta ng ipinagbabawal na paputok. | ifmnews

Facebook Comments