Naghahanda na ang Police Regional Office 1 para sa panahon ng tag-ulan. Nakiisa ang mga ito sa naganap na PNP-wide Inspection of Disaster Response Equipment.
Layon nitong masiguro na handa ang mga kinakailangang kagamitan sa oras ng anumang sakuna o emerhensiya sa Rehiyon Uno.
Ayon kay PRO 1 Regional Director Police Brigadier Lou Evangelista, importante ang nasabing taunang aktibidad sa hanay ng kapulisan upang matiyak na gumagana ang mga response equipment sakaling kailanganin ito ng mga residente at maisaalang-alang ang kaligtasan ng bawat isa.
Alinsunod pa rito, pinapalawig din ng himpilan ang kakayahan sa pamamagitan ng mga pagpapalakas sa mobility assets at digital tools tungo sa mas mabilisang pagtugon. Kabilang ang disaster response sa patuloy na pinapalawig pa ng mga law enforcement agencies at iba pang ahensya upang matiyak ang kapakanan ng mamamayang Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments