𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟭 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝟭

Matapos mapag-alaman ng Police Regional Office 1 na may nagpapanggap na mga indibidwal bilang direktor ng PNP Region 1 naglabas ngayon babala ang pamunuan.
Ayon sa inilabas ng PRO-1 na abiso sa publiko, napag-alaman nila na may mga taong gumagamit ng numerong 09973061948 kung saan ginagamit ito ng mga taong nagpapanggap at nagpapakilala bilang si Director PBGen John Chua upang makapanloko,
Ginagamit ito sa pansariling interes ng mga nasa likod ng panloloko sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga tao.
Ayon sa pamunuan, na walang anumang koneksyon ang nabanggit na direktor maging ang iba pang mga nasa matataas na pwesto sa pagitan ng mga taong nagpapanggap.

Dahil dito, hinikayat ng pamunuan na kumpirmahan muna ang taong nakaka transaksyon.
Sakaling may ma-encounter na ganitong numero ay agad ipagbigay-alam sa kinauukulan o itawag sa hotline number ng PNP na 09218642839. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments