POLICE REGIONAL OFFICE 1, PINAIGTING ANG ANTI-ILLEGAL GAMBLING OPERATIONS; 1, 216 NA KATAO ARESTADO

19
Aabot sa 1, 216 na katao ang naaresto ng kapulisan sa Ilocos Region sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation sa apat na probinsiya.
Isinagawa ang 375 operasyon ng kapulisan mula Sept 12-18.
Ayon sa PRO1, 745 na indibidwal ang nahuli sa Pangasinan, 166 sa La Union, 190 sa Ilocos Sur at 115 sa Ilocos Norte.

Nasa kabuuang 360, 446 ang nasamsam ng otoridad na ginamit na pangtaya ng mga naaresto sa isinagawang operasyon ng pulisya.
Ang pagsugpo sa anomang klase ng sugal sa rehiyon ay isa sa nakapaloob sa programang MKK=K Programa ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. | ifmnews
Facebook Comments