Ayon sa ahensya, Ipinapatupad na nito ang kanilang Election Security Plan, kabilang ang strategic deployment ng mga pulis sa mga polling centers at mga lugar na itinuturing na election hotspots. Layon ng presensya ng kapulisan na tiyakin ang seguridad ng mga botante, mga opisyal ng COMELEC, at mga kagamitan sa eleksyon.
Kasabay nito, mahigpit na binabantayan ang mga tauhan ng PRO1 upang masigurong sumusunod ang mga ito sa alituntunin ng integridad at propesyonalismo. Ipinagbabawal din ang anumang uri ng pakikialam sa pulitika upang mapanatili ang kredibilidad ng halalan.
Aktibo rin ang pakikipag-ugnayan ng PRO1 sa COMELEC, Armed Forces of the Philippines (AFP), mga lokal na pamahalaan, at iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa mas malawak na kampanya laban sa vote-buying, illegal campaigning, at iba pang paglabag sa batas ng halalan.
Pinaigting na rin ang mga checkpoint upang pigilan ang pagpasok ng mga kontrabando.
Ayon kay PBGEN Evangelista, hindi lamang pisikal na kahandaan ang kanilang pinaghahandaan, kundi pati ang kahandaan ng isipan upang maihatid ang isang Secure, Accurate, Free, and Fair (SAFE) elections.
Samantala, panawagan ng tanggapan ang kooperasyon ng publiko upang maging ligtas ang lahat sa halalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








