Puspusan ang isinasagawang imbestigasyon ng ng Police Regional Office sa pamamaril sa incumbent Brgy. Captain ng Brgy. Paitan, Sta. Maria, Pangasinan.
Sa opisyal na pahayag ng PRO1, tiniyak nito na isinasagawa ang malalimang imbestigasyon upang matukoy na ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Nagbigay katiyakan din si PRO1 Regional Director PBGEN Lou Evangelista sa kaligtasan ng publiko ngayong patuloy na umiiral ang election period sa kabila ng agam-agam dahil sa insidente.
Matatandaan na nasawi si Brgy. Captain Rolando Albino noong araw ng Martes nang pagbabarilin habang nagmamaneho sa bypass road sa bayan.
Kaugnay nito, hinihikayat ng opisyal ang publiko na manatiling kalmado at makiisa sa imbestigasyon upang tuluyang matuldukan ang krimen. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨