*Cauayan City, Isabela*- Ipinag utos ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro na isailalim sa mandatory drug test ang nasa 33 na Police Regional Office Personnel upang matiyak na walang sangkot sa iligal na droga.
Kasabay ito ng mahigpit na kampanya ng pambansang pulisya na Internal Cleansing sa kanilang hanay mula sa pinakamataas na tungkulin.
Dinaluhan ito ng 31 Police Commissioner Officers (PCOs) at dalawang (2) Municipal Executive Senior Police Officers (MESPOs) mula sa magkaibang Provincial Offices.
Ayon kay PBGen. Casimiro, ito ay upang matiyak na walang sangkot sa iligal na droga at kung mayroon man ay sasailalim sa legal na action laban sa mga ito.
Sinabi pa nito na asahan na ang mga surprise drug testing sa lahat ng pulis lalo na sa mga nakatalaga sa mas mababang unit.
Dagdag pa nito na hindi nito palalampasin ang lahat ng lalabag sa batas particular sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Hinikayat naman ni RD Casimiro ang publiko na tulungan ang pulisya sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa bentahan ng droga sa kanilang lugar at ipagbigay alam sa tanggapan ng pulisya.