Police Regional Office 2, Nakibahagi sa Taunang Earthquake Drill!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City – Nakibahagi ngayong araw ang Police Regional Office 2 (PRO2) sa 2nd Quarter Nationwide Earthquake Drill (NSED) bilang suporta sa taunang Earthquake Drill ng Gobyerno upang mapaghandaan ang anumang sakuna na maaaring mangyari.

Isanagawa ito kasama ang mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council o RDRRMC sa himpilan ng Police Regional Office 2 kung saan dinaluhan ito ng mga Uniformed at Non-Uniformed Personnel (NUP) ng PRO2 na pinamunuhan ni Police Senior Superintendent Leumar Abugan Officer-in-Charge at mga Regional Chief Directorial Staff.

kasama sa isinagawa ay ang pagsasadula kung paano magsagawa ng First aide o Paunang lunas at iba pang agarang tugon kung sakaling magkaroon ng lindol.


Nagpaalala naman si PSSUPT Abugan sa lahat ng mga dumalo na dapat maging alerto, magkaroon ng kaalaman at laging handa sa sarilisa anumang kalamidad na maaaring dumating.

Bukod pa rito ay layunin din ng naturang Earthquake Drill na makita kung ano ang mga kakulungan at ano pa ang mga dapat na pagbutihin ng ating mga kapulisan.

Facebook Comments