POLICE REPORT | Hinihinalang Rape Victim natagpuang patay sa Dagupan City!

Dagupan City – Isang palutang lutang na bangkay ng babae ang natagpuan sa ilog ng Brgy. Pantal, Dagupan City na wala ng saplot pang-ibaba. Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Dagupan patay na ito noong itapon sa ilog ganap na pasado alas-siete ng umaga ng makita ang bangkay ni Ryesha Vidal, 21 years old, isang promodiser, at buntis ng dalawang buwan na tubong Sitio Guibang, Brgy. Pantal, Dagupan City.

Iniimbestigahan ngayon ng mga pulisya kung ito ba talagang nagahasa at kung sino sino ang kasama nito noong huling sandali. Patuloy ang imbestigasyong isinasagawa ng kapulisyahan upang malaman ang tunay na pangyayari at motibo sa pagpaslang sa nasabing babae.

Bumuhos naman ang kaliwa’t kanang panawagan mula sa pamilya, kaibigan, at ilang netizens para sa agarang ikadarakip ng salarin at ikalulutas ng kaso.


Facebook Comments