POLICE REPORT | Ilang Drug Personalities at Surrederers, timbog sa mga magkakahiwalay na Buy Bust sa Pangasinan!

7

Huli sa buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP at PDEA nitong nakaraang miyerkules sa Santa Barbara, Pangasinan ang mga suspek na sina John Arbelle Grafe Sta. Maria alyas “john-john” at Kenneth Dizon Villaflor na hinihinalang mga miyembro ng Alikan Group drug dealers.

Nakuha sa nasabing mga inidibidwal ang 2.5 grams sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P15,000, marked money na P1,000, bundle ng pera, cellphone, at sasakyang hinihinalang ginagamit sa mga ilegal na gawain ng grupo.

Samantala, huli din sa buy-bust operation ang isang dating drug surrenderer na kinilalang si Ronald Parayno kung saan nahulian siya ng isang sachet ng shabu at limang daang pisong marked money.
Ilan pa sa mga nahuli ay sina Julius Ocal Franco alias “agang” sa bayan ng Aguilar, at Roger Claro ng Asingan, na nahulian ng tig-isang sachet ng shabu at limang daang pisong marked money.

Ayon sa pamunuan ng PNP Pangasinan at PDEA ito ay parte ng kanilang tuloy tuloy at pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa buong probinsya at patunay na patuloy ang kanilang monitoring kahit sa mga surrenderers.

Facebook Comments