*Malawakang Checkpoint, nag-umpisa na! *
Umarangkada na ang tropa ng kapulisan sa buong Pilipinas na magsagawa ng malawakang checkpoint sa paparating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo 14, 2018.
Nagsimula ang nasabing checkpoint noong April 14, 2018 ng madaling araw kasabay ng paghahain ng kandidatura o COC ng mga nagnanais tumakbo bilang opisyal ng kanilang barangay.
Pangunahing ipinapatupad ng PNP at COMELEC sa mga motorista na kung maaari iwasan ang pagdadala ng baril kahit na may dokumento ito habang kanselado rin ang ‘permit to carry outside residence’ ng mga lehitimong gun owners o kaya naman mga hindi lisensyado at rehistradong baril sa ibinigay na Election Period ng COMELEC at mas makakabuti na umanong iwan nalang ito sa inyong kabahayan.
Mithiin nito na panatilihing laging ligtas ang seguridad at maging tahimik habang umuusad ang botohan sa bawat barangay.
Ang nasabing election period ay nag-umpisa noong Abril 14 at tatagal hanggang Mayo 21.
Paalala din ng COMELEC- Commission on Elections na kung maaari magsuot ang mga pulis ng nararapat na uniporme upang mabilis silang makilala.
Paalala din ng LTO- Land Transportation Office na huwag ng magmaneho ang mga walang lisensiya at mga hindi rehistradong sasakyan para iwas na rin sa disgrasya at iwas sa mga multang maipapataw sa sinumang lumabag sa batas.
Ulat ni Jhon Michael Caranto
POLICE REPORT | Malawakang Check-points, kaliwa’t kanan na!
Facebook Comments