POLICE REPORT | MIYEMBRO NG GUN-FOR-HIRE GROUP SA BANI, ARESTADO!

Arestado sa isang coordinated raid ang isang miyembro ng notoryus na gun for hire group sa Barangay Ballag, Bani Pangasinan.
Ang suspek ay nakilalang si Norberto Necesito, miyembro ng Corpuz-Humilde group na kilalang criminal group sa salang gun-for-hire, pagnanakaw ng mga baka, at robbery-hold up sa lalawigan.
Nasabat ang isang calibre 45 at mga bala, isang magazine ng m-16, hand grenade, rifle grenade, at dalawang gun bags.
Kinasuhan na ng paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms at RA 9156 o Illegal Possession of Ammunition ang suspek.
[image: 250px-Ph_locator_pangasinan_bani.png]

Facebook Comments