
Tahasang tinawag na peke ng Palasyo ang umano’y police report na kumakalat sa social media na nagdadawit kay First Lady Liza Araneta Marcos sa pagkamatay ng negosyanteng si Paolo Tantoco.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang parte sa police report na may pangalan ng unang ginang ay sadyang idinagdag lamang.
Giit ni Castro, hindi kasama sa entourage ni first lady si Tantoco at sa hindi sa Beverly Hilton Hotel, kung saan namatay ang negosyante, tumuloy ang First Lady.
Nakakahiya aniya ang ginagagawa ng mga obstructionist na nagpapanggap ng journalist dahil ang mga pribadong tao na nagluluksa ay nadadamay sa politika.
Ginagamit aniya ang isyung ito para masira ang first lady, ang Pangulong Marcos, at ang administrasyon.
Nanawagan naman ang Palasyo sa media na i-verify ang mga nakalap na impormasyon at huwag magpakalat ng fake news.









