POLICE REPORT | Notoryus Gang sa Pangasinan, Huli!

Sa isang buy bust operation, nahuli ng kapulisan ng San. Fabian, Pangasinan ang notoryus na Pangok Group. Kabilang na ang leader nila na si Deniss Ambrocio alyas Pangok at dalawang myembro na sina Ernesto Gangat alays Negro at Danilo Sonaco alyas Buneng. Ang grupo ay sangkot daw sa ilegal na droga, motornapping, robbery hold-up at akyat bahay sa buong Pangasinan at karatig na lalawigan.
Naganap ang enkwentro sa Brgy. Likeb Butao Sn. Fabian, Pangasinan. Kung saan isang transaksyon ang isinagawa ng pulisya sa isang ibinebenta nilang nakaw na motorsiklo sa halagang 13, 000 pesos. Nang makatunog ang mga ito na pulis ang ka transakyon nila, pinaputukan at tinamaan sa likod ang isang pulis, na ligtas naman dahil naka suot ng bullet proof vest. Dito na nagsimula ang palitan ng putok sa pagitan ng grupo at ng mga pulisya.
Nadakip ang tatlo na nahulihan pa ng pitong pakete ng hinihinalang droga. Dalawang kalibre 45 na baril at isang kalibre 38. Nabawi din sakanila ang motor at ang gamit nilang tricycle sa pakikipag transaksyon. Naging matagumpay ang pag tugis sa mga suspek dahil sa pag flash alarm ng Mangaldan pulis sa nakaw na motorsiklo na dati ay kulay pula na ginawang itim ng mga suspek, subalit nananatili parin ang plate number nito kaya agad itong natunton. Samantala tumanggi ng magbigay ng pahayag ang mga nadakip na suspek.
[image: RMN-POLICE-REPORT-2.png]

Facebook Comments